Naalala ko nung bata pa ako pag may nagmumura sa labas o sa loob ng aming tahanan, pagsasabihan ako ng mga magulang o ng mga tita ko na wag na wag kong gagayahin ang mga sinasabi nila. Ngayong lumaki na ako at tumanda, isa na ako sa mga taong nagmumura at pinagsasabihan ang mga kabataan. Pero sapat nga ba ang pagsabihan sila o kailangan may gawin na tayong matatanda? Bata, bata sa amin ka natuto mag mura tama ba?
Kung noon wala pang batang kalye ang namumura. Ngayon, marami ng nagmumurang mga bata na minsan ay kahit napadaan ka lang, mumurahin ka na nila. Sa kakulangan nga ba ng gabay ng mag magulang nila o iba’t ibang taong nakakasalamuha nila o mismong sa kanila na ang problema?
Maaari na sa mga magulang o sa mga nakakatanda ang mga suspek ng katarantaduhan dito. Ika nga nila, kung anu ang magulang ganoon din ang kanilang mga anak, o kung anu mang kasabihan yun. Maaaring pinagsasabihan nila pero hindi naman nila pinapakita na masama ang magmura na parang pagtumanda ka na, okay ng magmura. Minsan parang ang tuldok ng kanilang pangungusap ay mura o minsan pa nga puro mura na lang ang maririnig mo sa mga istorya nila.
Maaari lalo ang mga taong nasa paligid nila ang dahilan bakit alam nila ang salitang putang ina. Lalo na’t walang pake ang mga taong makakarinig sa mga mura nila dahil hindi nila ito kamag anak o hindi nila ito mga anak. Potang ina din e nuh porket hindi anak?
Sabihin na natin alam na natin sino ang may kasalanan, isipin naman natin kung anung tamang tanong ang itanong natin sa mga taong may pake.
Tama bang itanong kung anu dapat gawin o tama bang itanong natin na dapat maging big deal ang ganitong situation sa bansa natin?
Kayo, anu sa tingin niyo? Kailangan bang magkaroon na ng batas na bawal magmura o pabayaan na lang natin ang bata ngayon na maya maya ang panghahalay na alam nila? Lumalala na ba ang disiplina dito sa ating bansa?
Kuya, ate, tang ina sumagot kayo.
(Source: penpendesarapen-writers)
![001.
Time is running out; once done, we cannot go back. But just remember—
[photo via]](http://24.media.tumblr.com/tumblr_lj0clmEDUC1qhwqnzo1_500.jpg)
Alam mo naman sa dami nating pinagdaanan
Sa lahat na nangyari
Sa lahat nang kaligayahan
Sa lahat ng tuwa
Sa lahat ng saya
Ikaw lang namumukodtangi para sakin
Nagiisa ka lang sa mundo ko
Di kita kayang palitan
Minsan may takot akong tumungo at subukan ang ibang bagay
Pero pagkasama ka
Pakiramdam ko’y gagaan at liligaya
Naalala mo naman na ang dami pa nating mga plano
Mga nakatabing oras na para satin lang
Ang paglilibot at lagalag
Parito at paroon
Ikaw at ako, tayong dalawa
Wala nang iba
Yun lang impportante diba?
Kaya tahan na
Di kita malilimutan
Di ko man masabi sayo dati
Masasabi ko na sayo ngayon
Mahal na mahal kita
Aking tunay na karangalan
Na maitulad, maihambiling at matawag
Na iyong nagmamahal na kaibigan…
(Source: penpendesarapen-writers)
I’m tired of you. Please? Let me say this, just this day.
(Source: penpendesarapen-writers)
On a cold and dreary morning ,
As I sit upon my bed
While I stare at your picture,
Thoughts of you go through my head
Sometimes when you don’t know it,
You douse my feelings with cold rain
And though you may not realize it,
You put me through such pain
I know that I should turn away,
Just go and not look back
This being lonely but not alone,
Is something I can’t hack
But something keeps me holding on,
Is this the best I’ll find?
I can’t imagine moving forward,
and leaving you behind
You know you can’t deny it ,
Yes, I know you love me too
I pray the day will never come ,
When you say that we’re through
I’ve never felt this way before,
And never will again
My heart will always be yours,
Even after our time comes to an end
I hope you don’t forget these words ,
Until the day you die
And when that day comes I will be,
Behind you with a sigh
I love you baby, don’t forget,
These feelings that I write
‘Cuz if I said I’d die for you,
Believe me, I just might…
(Source: penpendesarapen-writers)
Flag Ceremony
Isa ito sa mga namimiss kong balikan ngayon. Yung ingay ng mga batang nagkakagulo, yung mga teacher na nagsasaway sa mga batang maguguglo at maingay. Kung tutuusin, halos lahat tayo dati ayaw na ayaw mag flag ceremony kasi maaga ka papasok (lalo na pag Lunes), sa sobrang init eh mawawala kagad yung term na “Bagong Ligo” (dahil siksikan at nakabilad sa arawan). Pero masaya din naman kasi makikita mo yung mga taga ibang room, mga mas higher level, etc. kasama pa yung Morning exercise kung saan sabay-sabay kayong mag-eexercise para mawala yung antok ng lahat. Napakasarap balikan. Nakakatuwa. :)
Sadyang magulo talaga ang utak ng tao lalo na kapag inlove daw. Parang ako, minsan. Pero pwede rin parang ikaw, palagi.
Sabi ko malungkot ako kasi kakabreak lang namin. Sabi ko kailangan ko maging masaya. Sabi ko kailangan kong makamove on agad. Sabi ko kailangan kong bumangon. Sabi ko kailangang hindi nya maramdamang naging kawalan sya. Sabi ko kaya ko. Pero lahat ng sinabi ko kinain ko lang, parang kendi.
Pansin mo, kapag malungkot ang isang tao dahil sa heartbreak, sa halip na makinig sya ng mga magagandang musika para makalimot eh mas pinili pa nyang makinig ng mga sad love songs. Tapos iiyak nalang bigla, parang tanga lang.
Pansin mo, kapag malungkot ang isang tao dahil sa heartbreak, mas pinipili nilang tingnan ulit at yakap yakapin ang mga bagay na binigay sa kanila ng kanilang Ex sa halip na itapon nalang ito para makamove. Tapos iiyak nalang bigla, parang tanga lang.
Pansin mo, kapag malungkot ang isang tao dahil sa heartbreak, babasahin ulit nila yung mga sweet conversations nila sa text sabay uupo sa may bintana at magrereminisce. Tapos iiyak nalang bigla, parang tanga lang.
Pansin mo, kapag malungkot ang isang tao dahil sa heartbreak, pinapabayaan nalang nila yung sarili nilang maging panget sa halip na mag-ayos para makamove on ulit. Tapos iiyak nalang bigla, parang tanga lang.
Pansin mo, kapag malungkot ang isang tao dahil sa heartbreak, kakain sila ng kakain para daw makalimot hanggang sa tumaba sila. Tapos iiyak nalang bigla, parang tanga lang.
Pansin mo, kapag malungkot ang isang tao dahil sa heartbreak, maglalasing magdamag at hihithit ng yosi hanggang sa masunog ang baga sabay ikwekwento sa mga kaibigan na wari’y hindi affected. Tapos iiyak nalang bigla, parang tanga lang.
Pansin mo, kapag malungkot ang isang tao dahil sa heartbreak, sasabihin at sasabihin pa din nilang okay lang sila kahit kitang kita naman na nasasaktan na. Tapos iiyak nalang bigla, parang tanga lang.
Pansin mo, kapag malungkot ang isang tao dahil sa heartbreak, itatanggi at itatanggi nila na kahit isa sa mga nabanggit ay hindi nila naranasan kahit na halatang halata naman na medyo napangiwi sila dahil naalala nila ang kagagahan at kagaguhan nila. Tapos iiyak nalang bigla, parang tanga lang.
(Source: pependesarapen-writers)
Naglalakad siya papunta sa bar upang kumuha ng inumin. Hakbang. Hakbang. Hak- Tumigil ang oras nung pumasok ang crush niya. Cue in music. Napatitig nalang siya at napanganga. “Ang ganda talaga niya. Hai. Sana pwedeng ganito nalang habambuhay. Kahit tingin lang. Pasilip silip lang. Masaya na ako.” -bang. Bumalik na muli ang pag galaw ng oras. Halos matapilok pa siya dahil sa nangyaring time stop. Haineko. Napahinga siya ng malalim. Lumapit siya sa bar. Umupo sa isang stool at sinenyasan ang bartender. “Isang Lights.” Pinanuod niya ang bartender na kumuha ng isang beer mula sa ref at binuksan. Ianbot niya ang bote. Itinaas niya at uminom ng kaunti. Ibinaba niya muli ito. Hinanap niya ang kanyang crush, nawawala. San na kaya siya? Andito din kaya yung boypren nun?” Ini-angat niya muli ang bote sa kanyang mga labi. Lagok. Lagok. Aah. Inilapag niya muli ang bote at linaro ang mga patak ng tubig na namumuo sa gilid nito. Napatingin siya sa kaliwa. Putik. Si crush! Kasama na niya ang boyfriend nito. Pero hindi parin niya mapigilang mapatitig. Lumingon si crush sa kanyang direksyon, nakangiti. Tapos tipong pang pictorial yung lighting. Ang ganda talaga niya. At sa ilang segundong iyon ay natakpan ng kanyang crush ang panget na kasama nito. Perfect. Moment. Biglang pumasok sa isip niya, “Lord, sana kaya kong patigilin ang oras, kahit ngayon lang. Gusto ko lang siyang pagmasdan. Sige na po, please. Superpowers. Parang yung Hapon dun sa Heroes. Pipikit lang.” Huminga siya ng malalim. Pumikit. Diniinan pa, hanggang sa maluha-luha na siya. At ibinukas ang kanyang mga mata.
Sa aking paglalakad
hindi maiwasan ang pag-alala
ng kahapong nagdaan
sa kalye extramadura
Nasasaktan ng lubusan
sa nangyaring awayan.
Bigat ng loob ay hindi kaya
Luha lang ang nakikita
Bakit kailangan mangyari
sa ating dalawa
ang biglang pagkasira
sa kalye extramadura?
Ngayon laging nanunumbalik
ang sakit at hapdi
ng kahapong lumipas
kapag napapadpad
sa kalye extramadura
May nahanap ako sa ilalim ng kama ko. Isang pregnancy test na di pa gamit.
Hindi naman ito ang worst memory ko. Pero isa ito sa mga pinaka ayokong feeling. Tatlong pack iyon, originally. Tatlong pregnancy test.
Ibang klase ang kaba sa paghihintay ng resulta ng ganito. Sa loob ng tatlong minuto na paghihintay sa resulta eh kung ano ano na ang papasok sa isip mo.
“Bakit kasi ang tanga ko? Nagmamagaling. Eh putik naman kasi, spur of the moment. Dinala ng emosyon. Tinangay ng libog. At di lang naman ako ang may kasalanan nun diba? Diba? DIba? Diba? Ilang araw lang naman na delayed ah. Isa? Tatlo? Dalawang linggo na pala at patapos na yung pangatlo. Omg. Normal pa naman yun diba? Diba? DIba? Hindi ba?”
“Ano na gagawin ko? Hindi ko pa kaya ang magkaroon ng anak. Paano na yung pagaaral ko? Tutuloy pa ba akong medisina? O mag-pari nalang kaya ako? Para madrama ang buhay. Eh kung tumakas nalang kaya ako? Pupunta ako dun sa may community namin. Kukupkupin naman siguro ako nung family ko dun. Pero kung manatili nalang kaya ako dito? Panindigan? Kaya ko ba silang buhayin? Anong trabaho ang pwede kong kunin? Malamang nurse, pero imposible. Omg. Magiging OFW din kaya ako? Baka gahasain ako ng arabong may bigote. Putik. Eh siya kaya? Paano naman kaya siya? Yung pagaaral din niya. Yung mga magulang niya. Yung mga kapitbahay. Mga kaklase. Itutuloy ba namin to? May choice pa ba? May magagawa pa ba ako? Nasaan ang aking moralidad? Nawala. Naiwan sa elementarya.”
“Babae kaya? O lalake? Ano kaya magandang ipangalan namin? Wala akong maisip na pangalan. Baka Baby Girl nalang o Baby Boy. San pala kami titira? May bahay pala ako. Itong kwartong ‘to ang gagawin kong nursery, tapos ito naman, play room pag tumanda na siya, tapos ito- Saglit lang. Ano ‘tong iniisip ko? Paano kaya yun? Gusto ko ba talaga yun? O nababaliw na ako sa kakahintay?”
Haineko. Ayun, negative.